Monday, October 14, 2019

ict promotion


Ang ICT (Information Communication Technology) ay isang kurso na nagbibigay kaalaman patungkol sa teknolohiya. Malawak ang sakop ng ICT kung kaya't isa ito sa mga pinkamahalang bagay na dapat matutunan ng bawat indibidwal. Maraming mga mag aaral ang nahuhumaling sa strand na ICT dahil narin sa teknolohiya at makabagong pamamaraan sa pag gamit nito. 


                        


   Ilan sa mga rason kung bakit maraming kabataan ang may gusto nito ay dahil sila ay mahihilig sa mga laro na konektado sa  teknolohiya kagaya nang mga online games,nais nilang matututong mang-hack at marami pang iba.Maraming rason para                                                                                             piliin ang ICT.





Ang mga ICT related job ay isa sa mga pinaka in demand na trabaho sa kasalukuyan. Ito ay makakatulong upang mapalawak ang kaalaman ng mga nag aaral ng ICT sa pakikipag komunikasyon, pag gamit ng internet, sa pag gamit ng makabagong teknolohiya at iba pang mga porpos nito. Malaki anag naiaambag ng teknolohiya sa mundo. Maraming bansa ang umuunlad dahil sa pag gamit ng makabagong teknolohiya. Kaya kapag nawala ang teknolohiya, malaki ang magiging epekto nito di lang sa atin ngunit sa pang kalahatan. Ang ICT ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na progresibo ang isang bansa. 







Ako bilang isang ICT student masasabi ko na maraming itong naitulong sakin kagaya nang pag program,pag gawa nang system,pag bibigay nang mas malawak na kaalaman sa pag gamit ng microsoft, natututo ako nang ibat ibang computer language at dagdag pang kaalaman sa wastong pag gamit ng teknolohiya. Maraming nag sasabi na mahirap ang kursong ito, totoo yun dahil ako mismo ay nahihirapang unawain at aralin ito ngunit kung gusto mo talagang matutunan ang isang bagay kailangan mo talagang mag sikap para lubos mong maunawaan ito.